we do not see things as they are; we see things as we are.


Inexplicable

Thoughts, Ideas, Experiences and Emotions from Quandaries of the Author

Monday, February 05, 2007

Politika

Politika... ito na marahil ang isa sa mga katagang aking palagiang pinagdududahan.

Mula ng ako'y musmos pa lang, hanggang sa ngayong nag kamalay na, tila hindi ko parin batid ang tunay na ibig sabihin ng politika.

May mga bagay na hanggang ngayon ay hindi maarok ng aking pag iisip... hindi ako tanga, ang politika ay importante sa ating pamumuhay, ito ang nagbibigay ng kabuuan sa istaktura ng pamamalakad o pagpapatakbo ng ating bansa.

ngunit, tila sa sobrang pagiging sakim, gahaman at ganid ng mga mahihinang tao, ginagamit nila ito upang makuha ang kanilang kagustuhan sapagkat ang nais nila ay kapangyarihan.

sa panahon ngayon, sobrang dumi ng politika sa ating bansa, kung hindi dinudungisan ang pagkatao ng mga bawat politiko, dugo ang siyang siguradong dadanak kapag hindi makuha ang posisyong pinakaasam asam.

ngayong nasa kolehiyo ako, oo, walang dungisan ng pangalan at lalo ng walang dugong dadanak, pero... dahil sa politika may mga pag kaka ibigang nawawasak, oo nga't may nabubuo rin, pero hanggang kailan tatagal? samu't saring pananaw, samu't saring pahayag, samu't saring tao... kung ang layunin ay tanging kabutihan... bakit kailangan isa alang alang ang pag kakaibigan? ang samahan? ang pinag daanan?

bawat paksyon ay may punto, may roon ding itinatagong pansariling naisin.

oo, ang naiis natin ay isang maayos na goberno at yoon din ang layunin ng bawat isang kandidato, maayos na pamamalakad, ngunit, isang kasinungalingan kung ang bawa't isa ay di nag hangad ng pansarili.

Pare pareho lang ang bawat politiko, ang pag kakaiba lang ay sa bigat at laki ng pag hahangad.

sa aking sinulat ay wala akong pinasasaringan o gustong awayin, kayo na ang humusga kung ako ay may kinikilingan o nagkakamali sa aking mga ipinahayag.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home