May mga bagay na kahit anung ating gawin ay napakahirap unawain.
Dumadating tayo sa punto ng ating buhay na kung saan tayo ay nadarapa at bumabangaon rin,
ngunit kung minsan ay palagi tayong nadarapa dahil lamang sa iisang pag kakamali,
tayo ay paulit ulit nasasaktan, ngunit tila di tayo natututo.
Hindi ko mawari kung bakit ito nauulit, marahil ba sa kadahilanang atin itong kinasanayan na at tila manhid na?
Ngunit bakit parin tayo nasasaktan?
Posible na matigas lamang ang ating ulo?
Ngunit hindi ba mapagtanto ng ating pag iisip na kalauna'y masasaktan ulit tayo?
Ngunit sa kabila ng sakit tayo ay bumabangon parin... bumabangon para madapa ulit?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home